Chopilo

Nahuli kitang sumusulyap
Mga tingin na parang nasa alapaap
Nahuli kitang nakangiti
Wala naman sa’yong kumikiliti
Sino ba ang nasa isip?
Ikaw nga ba’y umiibig?

Mr. Chopilo, torpedo, chope
In short torpe
Kailan ka ba magtatapat?
Malapit ka ng maging alamat
Namumutawi sa iyong mga mata
Ang mga salitang gustong ikanta
Isang tanong mula sa’yo
Paniguradong lahat ay magbabago

Hindi mo batid na alam ko
Ngunit hindi kita ibubuko
Hihintayin kong iyong sabihin
Na sa akin ikaw ay may pagtingin
Ngunit hindi mo ba ramdam
Ako din sa’yo ay may dapat ipaalam

Mr. Chopilo, torpedo, chope
In short torpe
Kailan ka ba magtatapat?
Malapit ka ng maging alamat
Namumutawi sa iyong mga mata
Ang mga salitang gustong ikanta
Isang tanong mula sa’yo
Nang ikaw at ako’y maging tayo

Sa tingin ko alam mo na
Ipagsisigawan ko pa ba?
Oo na, mahal na yata kita

-Maklein 09.15.16

6 comments

Leave a comment